Wednesday, December 2, 2009
Is Jolina Magdangal returning to ABS-CBN?
Source: abs-cbnnews.com
Happy and excited na si Jolina Magdangal sa mangyayari sa kanya sa 2010.
May malaking plano na raw kasi sa kanya ang bago niyang manager na si Perry Lansingan na siyang namamahala ng bagong talent management na PPL Entertainment, Inc.
“Secret pa ‘yong mga plan pero, basta, may mga plano kami ni Perry," masayang bungad ni Magdangal sa Christmas party ng PPLEI para sa entertainment press.
Wala na si Jolina sa mga show niya sa GMA7. Kaya may balitang babalik siya sa dating home studio niya, ang ABS-CBN.
“Hindi natin alam. Secret. Pero si Perry ang nakakaalam niyan,” pahayag niya.
Open ba siya sa possibility na bumalik sa ABS-CBN? “Parang sa akin kung ano ang kay Perry, dalawa kami doon. Dalawa kami na magde-desisyon.”
Isa si Magdangal sa original cast ng TV show na “Gimik” na muling ibabalik ng ABS-CBN bilang “Gimik, The Reunion.”
Ilan sa mga dating artista ng Gimik ay lalabas ulit sa remake ng dating malaganap na youth-oriented show ng Kapamilya network. Inalok ba siya ng Dos para lumabas sa “Gimik, The Reunion? ”
“Nabalitaan ko ‘yon. Mayroon kasi doon na isang member na kaibigang-kaibigan ko, ‘yong anak ni Tito Homer ( Flores ). Pero narinig ko pa lang. Wala pa ako’ng balita kung sinu-sino ‘yung sa dating cast. But so far, si Perry lang ang nakakaalam kung may offer sila sa akin,” dagdag pa ni Magdangal.
May mga nag-speculate naman na kaya aalis ng GMA 7 si Magdangal ay bunsod ng paglipat ng dating co-talent niya sa Star Magic na si Claudine Barretto sa Kapuso network.
“In fairness naman kay Claudine, kailan lang natin nabalitaang itong kay Claud ‘di ba? Sa totoo lang, ‘yong kay Clau-Clau nagulat nga ako. So, paano mangyayari na doon iba-base. ‘Tsaka kung halimbawa may mga plan man na gagawin, ang ugali namin nina Perry hindi kami nagba-base dahil sa emotions. Nagba-base kami kung ano talaga ang dapat at kung ano ang dapat ilaban,” aniya.
Sinabi din niya na masaya siya para kay Barretto sa desisyon nitong lumipat sa GMA 7. Hindi rin niya inaalis ang posibilidad na magkasama sila ni Barretto sa isang programa.
Bukod sa excitement ni Magdangal sa kanyang career, masaya rin daw ang kanyang puso sa piling ng boyfriend niya na si Mark Escueta.
If ever bumalik siya sa ABS-CBN, sino ang gusto niyang makapareha? “Sino nga ba? SiPapa P (Piolo Pascual) pwede rin…. Hindi naman kailangan talaga love team ang dating. Pero kung sakali mang magkaroon ng project, why not si Papa P?”
0 Side Comments: to “ Is Jolina Magdangal returning to ABS-CBN? ”
Post a Comment