Search this blog


Home About Contact Links



Sunday, December 13, 2009

iGMA: Raymond Gutierrez talks about StarStruck V  


Source: Jason John S. Lim, gmanews.tv

After three seasons as a host of 'StarStruck,' it can be argued that Raymond Gutierrez has learned a lot sa competition na ito. And that's why we ask him what this season's contenders should do to make it big sa larangan ng showbiz.

Start pa lang ng season na ito, Raymond already promised that StarStruck V will be bigger than its predecessors.

"I'm very, very excited," pahayag ni Raymond nang interview noon. Dahil bukod sa mga bagong twists na darating from the show, Raymond is also reuniting with his StarStruck family. "I've been with them for how many seasons already, they're like a family to me." And, he tells us, it's also his first time na makatrabaho si Carla Abellana.

What else is Raymond excited about? Seeing how this season's contestants handle the pressures of being a star, being a celebrity, "and of course, the challenges that go along with it."

Sabi nga nila, every season of StarStruck is different. Hindi lang dahil may mga bagong twists na aabangan lagi, but also because ibang-iba lagi ang personalities ng mga nakakasama sa competition. "So exciting [din] how it's gonna be different creatively."

Isa sa mga bagong addition sa season na ito, compared to the seasons Raymond has been part of, is the mentorship program. Five experts with their own fields of expertise are coming together to give the finalists a top-notch education in singing, dancing, acting, grooming and image development.

Kaya naman nasabi ni Raymond na, "if I was a contestant, I would maximize the fact that I have these mentors around me. I'll ask as many questions as I can, and really try to absorb their advice, really try to listen. Kasi sila talaga 'yung nakaaalam sa bawat aspeto ng industriyang ito."

At dahil nga ito ang gagawin niya if he were in the contestants' place, ito rin ang advice niya sa mga remaining survivors ng StarStruck V—to ask. "Whether it's with acting, or with style, or with singing—anything that would hone their skills, to make sure they stand out."

"Kasi, at the end of the day, I'm sure they want to stand out." Raymond says that if these contestants really want to impress the judges, they should maximize the fact na mayroong silang mentors.

We asked him, kung siya ba ang papipiliin, ano ang gusto niyang makita sa future star na mahuhulma ng StarStruck V? Raymond said that the overall package is important sa competition, that the winner should not just have talent, but also wit. "Someone that can carry themselves in any situation, someone na kayang i-express 'yung sarili nila—‘yun 'yung hinahanap ko."

"And also dedication, determination, 'yung pagiging strong-willed. Importante ‘yun in becoming a star," he added.

Do our survivors have what it take to make it big, sa batayan ni Raymond? We'll find out as the competition continues on StarStruck V.

Catch Raymond hosting StarStruck V every Saturday, pagkatapos ng Pinoy Records, where he breaks down everything that has happened for the week.

You can also catch shorter updates from Mondays to Fridays sa StarStruck ShoutOut bago mag-Family Feud. And, of course, ang elimination nights ay live na live every Sunday night sa Studio V, pagkatapos ng Kap's Amazing Stories, with Dennis Trillo and Carla Abellana.


Continue Reading
Thursday, December 10, 2009

iGMA: Dennis Trillo becomes a reluctant dad this Christmas  


Source: gmanews.tv

Masasaksihan ngayong December 10 ang isang nakatutuwa at inspiring story ng two different characters, which will be made interesting when fate plays a trick on them.

Sa press conference ng panibagong season ng SRO Cinemaserye presents: Exchange Gift, nakapanayam ng iGMA ang ating paboritong leading man na si Dennis Trillo, at pinamalas niya ang tuwa sa panibagong project niya.

"Masuwerte ako na iba't-ibang klase ‘yung mga nakukuha ko ngayon. Mapa-hosting (StarStruck), acting (Darna), comedy (Bubble Gang), kaunting drama. Suwerte!" bulalas ni Dennis sa press.

"Medyo matagal din akong hindi nagkaroon ng ganitong karaming trabaho. And dito sa industriya natin ‘pag hindi ka nakikita, nakakalimutan ka eh," dagdag niya. "So, mas maganda ‘yung nakikita ka palagi para hindi ka makakalimutan."

Tampok din sa SRO Cinemaserye presents "Exchange Gift", ang talented child actor na si Francis Magundayao, kung saan huli natin siyang napanood na gumanap bilang batang Bino sa Gagambino.

Ang Exchange Gift ay istorya tungkol sa karakter nila Francis na si EJ at ang kanyang ninong Miguel, played by Dennis, who find themselves forced to keep up with their opposite personalities as EJ's father dies unexpectedly.

Dahil dito, fate intervenes and they both find themselves sa isang sitwasyon where their bodies were switched upang bigyan sila ng leksiyon.

And for Dennis, he finds this role quite refreshing dahil being a child once more would take him back to his 'kulitan' days.

"Medyo may pagka-naughty at makulit talaga [ako] nun. Maloko ako nung bata ako eh. Marami akong mga kaibigan na naiinis din sa akin, kasi talagang pinagtri-tripan ko sila," he recalled. "Marami akong kalokohan so hindi ako nahihirapan mag-internalize bilang bata – nung nagkapalit na kami ng identity."

Reliving those days ay napakasarap para sa kanya, dahil nga he admits he still have traces of his childhood days remaining sa personality niya, he explains: "Siguro ‘yung feeling na wala kang iniisip na problema, ‘yung laro ka lang ng laro. Hanggang ngayon parang feeling ko andun pa rin somehow ‘yung pagkabata sa akin. May pagka immature pa rin naman ako minsan at nae-enjoy ko pa rin naman maglaro ng mga iba't-ibang mga bagay."

Para naman sa comic aspect ng role niya, Dennis told us that his present and previous projects have sufficiently prepared him to do this role.

"Malaking tulong ang Adik Sa'Yo 'tsaka yung Bubble Gang siyempre, mula noong napasama ako sa grupo nila, kahit papaano naka-adapt ako and nahawa ako sa kaunting talent sa pagko-comedy," declared Dennis.

"Nage-enjoy ako eh, kasi kahit na sobrang puyat ko kahapon, pag alam kong may taping ako ng Bubble Gang excited pa rin ako kasi alam ko masaya, makulit and very light lang ‘yung ginagawa naming," ayon pa sa aktor.

Siyempre, tinanong din si Dennis, sa dinami-dami ng trabaho niya ngayon, siguradong may pagod factor nang kasama ito.

Pero sinalungat ito ni Dennis. "Masaya. Actually ano eh, kahit na galing akong taping ng Darna, tapos deretso ako ng taping ng SRO, parang nae-enjoy ko siya kasi nae-enjoy ko din ka trabaho si Direk Mac (Alejandre) kasi hindi ka maliligaw sa kanya," he replied.

"Sobrang iga-guide ka niya sa eksena – sa role mo. Bawat eksena tututukan niya and sisiguraduhin niya hindi ka papabayaan – aalagaan niya bawat scene bawat shot, kaya kahit pagod ka na, at least, alam mo maganda yung ginagawa mo," pahabol niya.


Continue Reading
google.com, pub-8793580756574273, DIRECT, f08c47fec0942fa0