Search this blog


Home About Contact Links



Tuesday, December 1, 2009

Kapuso programs, stars win in 23rd Star Awards for TV  


Source: gmanews.tv


Humakot ng parangal sa katatapos na 23rd PMPC Star Awards for Television ang mga programa at stars ng Kapuso Network na ginanap sa Pagcor Grand Theater sa Paranaque City noong Linggo ng gabi.

Kabilang sa nakuhang parangal ng GMA-7 ay ang best documentary program para sa I-Witness at best documentary hosts na sina Kara David, Jay Taruc, Sandra Aguinaldo, at Howee Severino.

Nakamit naman ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang titulong best magazine show, at best magazine show host para kay Jessica Soho. Si Vicky Morales ang tinanghal na best female newscaster (Saksi), habang si Paolo Bediones ang kinilalang best reality program host (Survivor Philippines); at best game show host si Richard Gomez (Family Feud).

Panalo rin ang Imbestigador ni Mike Enriquez bilang best public service program, habang ang nag-uwi ng parangalan bilang best youth-oriented program award ay ang Ka-Blog, . Nasungkit naman ni Sen Bong Revilla ang titulo bilang best host in an educational program para sa kanyang programang Kap's Amazing Stories.

Panalo rin ang Art Angel bilang best children show, at sina Pia Arcangel, Tonipet Gaba, at Krystal Reyes, ang tinanghal na best children show host.

Best gag show naman ang Bubble Gang, at naging best comedy actress naman si Rufa Mae Quinto ( Bubble Gang). Kinilalang best comedy show ang Full House ni Vic Sotto, habang best celebrity talk show ang SiS.

Nakamit ni Sunshine Dizon ang award para sa best single performance by an actress para sa Obra Presents: "Butch." Si Sunshine din ang tinanghal na female “Faces of the Night."

Iniluklok naman sa Hall of Fame ang nangungunang noontime variety-game show na Eat Bulaga! nina Tito, Vic at Joey.

Nag-uwi rin ng parangal ang QTV 11 kung saan tinanghal na best travel show ang Balik-Bayan, best travel show host si Drew Arellano (Balik-Bayan); best reality program ang Day Off; best lifestyle show ang Events Incorporated; at best lifestyle host sina Tim Yap at Sam Oh (Events Incorporated).

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories



google.com, pub-8793580756574273, DIRECT, f08c47fec0942fa0