Search this blog


Home About Contact Links



Thursday, December 3, 2009

Facebook shout-out on Krista Ranillo still hounds Gina Alajar  

Source: Lhar Santiago, gmanews.tv


Hindi pa rin nakaiwas ang premyadong actress-director na si Gina Alajar sa tanong ng entertainment press tungkol sa inilagay niyang status profile sa kanyang Facebook account kaugnay kina Krista Ranillo at Manny Pacquiao.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing ayaw na sana ni Gina na magsalita tungkol sa kanyang kontrobersiyal na Facebook account lalo na’t nag-react dito ang pamilya ni Krista.

Nauna nang napaulat na humihingi ng apology ang pamilya Ranillo kay Gina dahil sa negatibo raw na nasabi nito tungkol sa batang aktres. Ngunit depensa ni Gina, hindi siya ang nagpakalat ng nakalagay sa kanyang Facebook at sa halip ay ginamit ng isang showbiz talk show ng wala siyang pahintulot.

Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na sinagot ni Gina ang tanong ng press tungkol pa rin sa naturang usapin sa ginanap na press conference ng kauna-unahang ChristmasSerye ng GMA 7 na Sana Ngayong Pasko.

Binigyan-diin ni Gina na hihingi lang siya ng paumanhin kung siya ang may kasalanan. Pinanindigan din ng actress-director ang kanyang isinulat sa kanyang Facebook.

Hindi rin itinago ni Gina ang sama ng loob sa paggamit sa isinulat niya sa status profile nang wala siyang pahintulot.

“Never ko namang tinakasan ‘yon hindi ba? Pinaninidgan ko naman ‘yon kung ano yung pinost ko…para lang natu-twist lang ng mga katwiran. Ang hinihingi ko lang naman permiso," paliwanag ng ina ni Geoff Eigenmann.

Hanggang ngayon hindi pa rin daw inaalis ni Gina ang posibilidad na gumawa ng legal na hakbang dahil sa paggamit sa kanyang Facebook.

“Kung saan ako magkakaroon siguro ng hustisya… It might not be in the count, it might be on another venue ‘di ba," pahayag pa niya.

Natutuwa rin umano si Gina sa ibinibigay na suporta ng kanyang mga anak lalo na si Geoff na naunang nagpaunlak ng panayam para idepensa ang ina. Naiintindihan daw ng premyadong aktres kung man nasabi man si Geoff sa panayam na sila man ay matagal na ring naghihintay ng apology mula kay Krista.

Minsan na kasing na naugnay si Krista sa dating asawa ni Gina na si Michael de Mesa, ama ni Geoff.

“Nagulat din ako bakit nya…biglang lumabas sa bibig nya ‘yon. Yun ang narararamdaman niya wala akong magagawa, yun pala ‘yon," dagdag ng aktres.

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories



google.com, pub-8793580756574273, DIRECT, f08c47fec0942fa0