Search this blog


Home About Contact Links



Saturday, March 14, 2020

ABS-CBN statement in compliance of community quarantine  

In compliance with the government’s declaration of a community quarantine and ban on mass gatherings to contain the spread of COVID-19, the productions and live entertainment shows, the management of ABS-CBN is temporarily suspending it starting on Sunday (March 15). 

Read the statement below.


"Pansamantalang ititigil ng ABS-CBN ang pagtatanghal ng mga live entertainment show at taping ng mga teleserye nito simula Linggo (Marso 15) bilang pagsunod sa deklarasyon ng pamahalaan ng community quarantine at pagbabawal ng pagtitipon nang maramihan upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ginagawa ito ng kumpanya para sa kaligtasan at kalusugan ng aming mga artista, crew, production teams, ang kanilang mga pamilya, at ang publiko.

Habang ito ay ipinapatupad, patuloy ang ABS-CBN na maglilingkod sa mga manonoood sa paghahatid ng mga kinagiliwang palabas na magbibigay ng inspirasyon, pag-asa, at sigla.

Makakaasa ang publiko na patuloy na ihahatid ng ABS-CBN ang pinakahuling balita at impormasyon sa aming newscasts sa TV at radyo, pati sa digital, lalo na sa panahon ngayong may public health crisis ang bansa. 

Nagpapasalamat kami sa aming mga Kapamilya para sa kanilang pag-unawa at patuloy na suporta."

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories



google.com, pub-8793580756574273, DIRECT, f08c47fec0942fa0